"Esmeralda"
Isang umaga sa gitna ng mga batuhang lansangang
Rubi at esmeralda,
Ika'y aking nakita
Ikaw'y naliligaw, nawawala, naghahanap,
Natutuwa akong natulungan ka.
Isang umaga sa gitna ng mga kalsadang
Rubi at esmeralda,
Ika'y aking nakita
Ikaw'y nasilayan, napagmasdan at nakilala,
Ikinagagalak kong napaglingkuran ka.
Ikalawang araw ng paghaharap,
Kita'y nakadaupang-palad,
Bawat katagang namutawi sa iyong mga labi
Ay aking ninamnam
Ano'ng saya't nakadaupang-palad ka.
Ay! Sana'y kaparis kita ng nadarama.
Isang umaga sa gitna ng mga batuhang lansangang
Rubi at esmeralda,
Ika'y aking nakita
Ikaw'y naliligaw, nawawala, naghahanap,
Natutuwa akong natulungan ka.
Isang umaga sa gitna ng mga kalsadang
Rubi at esmeralda,
Ika'y aking nakita
Ikaw'y nasilayan, napagmasdan at nakilala,
Ikinagagalak kong napaglingkuran ka.
Ikalawang araw ng paghaharap,
Kita'y nakadaupang-palad,
Bawat katagang namutawi sa iyong mga labi
Ay aking ninamnam
Ano'ng saya't nakadaupang-palad ka.
Ay! Sana'y kaparis kita ng nadarama.
-------------------- ikalawang yugto
Muli tayong nagkadaupang palad,
Isang pagtatagpong hindi ko malilimutan.
Sa hapag ng banyagang pagkain
Sa harap ng mamahaling pinilakang tabing,
Doon may kakaibang nadama.
Ay! Dala marahil ng malilikot na mga palaso ng paganong panginoon,
Mga mata mo'y nagniningning sa aking paningin.
Ang ngiti mo'y talaga namang nakakabibighani.
Kaya't sarili'y di napigilan at aking nasambit,
Ikaw na nga yata ang hatid sa akin ng tadhana.
Di naglipat panahon ay ihinayag ko ang aking damdamin.
Sa harap ng mga balingkinitang mga bituin, isinigaw ko ang aking saloobin,
Iniibig ka ng buong pagtatatangi,
Handang ibunyag ang babaylang katauhan,
Mabatid lang ang iyong katugunan.
Kulay rosas na ang mga bulaklak.
Kay luntian ng buong paligid,
Puno ng kulay ang buhay.
At sa araw-araw, nakikita ko ang sariling napapangiti.
Sadyang ganyan ang hatid mong saya at ligaya.
No comments:
Post a Comment