Panaghoy ng Makatang Ulilla
"Isinisigaw ko ang paglaya sa pagitan ng nakatahi kong mga labi”
Dani:
Nais kong balikan ang balintataw ng nakaraan.
Kung saan pag-ibig ang aking adhika
Bawat titik at katagang nilikha
Damdaming nais iparating, ligaya man o luha
Sa lalim ng gabi’y nananaghoy,
Nagsusumamo sa aking musa
“Bigyang buhay aking kataga,
Balutan ng pag-ibig ang aking salita.”
“Nahan ka aking musa?
Ibalik sa akin, regalong pag-ibig sa paglikha.
Ang pagtagni ng titik at tuwa,
Ang paglilok ng musika at luha.”
Sa gitna ng huwad na rangya,
Nananangis ang makatang nangungulila
Hangad pa ri’y tuwa ng paglikha,
Paghahabi ng damdami’t salita.
Note:
Sadyang hindi tapos ang tula sapagkat patuloy pa rin ang may akda sa paghahanap sa itinatanging musa.
This was written early 2012 when I was musing about life in the confines of my room. I was then jobless, single and clueless on how to go on with my life. I think I even started crying for no reason at all... and that was when I wrote this. When i lost my inspiration to write, I think I also lest my zest for life and simply stood still - stuck. Thankfully I recovered and was able to bounce back. I owe this to the people in my life and to those who came into it while I was taking LEAP.
Cheers!
ganda naman :)
ReplyDelete