Ikatlo at Huling Yugto:
"Sa Sapiro"
Habang binabagtas yaring daan, ako ay nagbalik-tanaw,
Kay tagal na palang nakalipas
Simula noong huli nating pag-uusap.
Naisip ko, kumusta ka na kaya?
Kahit kaya sa pagiisa ako ba ay nalalala?
Naisip ko rin, malamang ako'y limot mo na.
Lumipas ang ilang pagpapalit ng panahon,
Muli akong gumagawa ng mga bagong ala-ala,
Ala-alang di ka na kasama.
Kay rami palang pwedeng magawa ng mag-isa!
Tuloy pa rin ang pag-galaw ng mundo ko.
Di na nga lang siya umiikot sa iyo.
Gayunpaman, salamat pa rin sa masasayang gunita
Mga ngiti at tawa nung tayo pang dalawa.
Di bale nang natapos tayo ng maaga.
Masaya pa rin akong minahal ka,
Sapat na rin yaong napasaya ka,
Hangad ko pa rin ang iyong ligaya.
Dito ko napagtanto, ito na ang huling yugto,
Ang kuwentong ito na kuwento mo at kuwento ko,
Tapos na at di na madurugtungan pa.
-end-